Kerwin Espinosa binarill habang nangangampanya

Former drug lord na si Kerwin Espinosa, binaril habang nangangampanya. Nangyari ang pamamaril sa covered court ng Barangay Tinag-an, Albuera.


Ayon sa mga pulis, naghihintay si Espinosa ng kanyang pagkakataong magsalita nang barilin ito ng gunman sa likod. Nagtamo si Espinosa ng tama sa dibdib, habang dalawa naman ang tinamaan ng ligaw na bala kasama na dito ang isang menor de edad na taga Barangay Tangas at si Mariel Espinosa Marinay na tumatakbo bilang vice mayor.


Kaagad naman isinugod si Espinosa at ang mga sugatan sa ospital. Matapos ang insidente nagsagawa ang mga pulis ng manhunt at hot pursuit, naglagay naman sila ng checkpoints sa lugar. Nasa stable nang kalagayan ngayon si Espinosa ayon sa kanyang FB live kagabi. Si Kerwin Espinosa ay naging kontrobersyal dahil sa akusasyon sa kanya ng dating pangulong Duterte sa partisipasyon nito sa kalakalan ng droga sa Visayas, idinawit niya rin dito ang dating senador na si Leila de Lima sa partisipasyon niya sa kalakalan ng droga sa New Bilibid Prison, subalit binawi rin naman ito ni Espinosa kinalaunan. | via Dann Miranda | Photo via PNA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *