Alex Eala nanguna sa PSA monthly achievers ng March

Bida ang Pinay tennis sensation na si Alexandra Eala matapos ang kasaysayan niyang pasok sa semifinals ng WTA1000 Miami Open!


Sa edad na 19, winalis ni Eala ang mga bigating kalaban: tinalo niya ang former French Open champ Jelena Ostapenko, reigning Australian Open queen Madison Keys, at five-time Grand Slam winner Iga Swiatek!


Bagamat natalo siya sa semis laban kay Jessica Pegula, si Eala ang kauna-unahang Pinay sa Open era na nakatalo ng Top 5 player sa WTA. Dahil dito, pumasok siya sa Top 100 rankings, at ngayo’y nasa World No. 75 highest ng isang Filipina!


Ang iba pang mga Pinoy achievers ay sina Rubilen Amit nanalo ng dalawang international billiards titles sa Las Vegas, Melvin Jerusalem tagumpay sa grudge match vs Yudai Shigeoka; hawak pa rin ang WBC world minimumweight belt, Aidric Chan rookie pro na nanguna sa Lexus Challenge sa Vietnam; umuwing may ₱900K at TNT Tropang Giga na champion sa Commissioner’s Cup matapos talunin ang Ginebra sa OT, Si Rey Nambatac ang Finals MVP! | via Allan Ortega | Photo via WTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *