PWD nagamit sa maruming pamumulitika, tutulungan ng DSWD

Isang mentally- challenged person ang sapilitan na in-interview ng isang vlogger para sa smear campaign laban kay Pasig City Mayor Vico Sotto. Sa interview pinapalabas ng grupo na kulang ang programa ng mayor para sa mga persons with disabilities (PWDs).


Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, pinilit ang biktima dahil ilang beses daw itong tumangging magpaunlak ng interview ngunit ang biktima ay dinala sa isang liblib na lugar at dito na siya pinapayag at tinuruan ng isasagot sa interview. Lumalabas din na ang video ay kinunan sa lugar kung saan may pamamahagi ng bigas ng vlogger at kinunan ito sa loob ng St. Gerrard Construction Compound na pagmamay-ari ng pamilya ni Sarah Discaya na kumakandidato rin bilang mayor. Dagdag pa ni Gatchalian, hindi pa naiisip ng pamilya na umaksyon ng legal ngunit handa ang DSWD na ibigay ang kanilang buong makakaya para mapanagot ang taong responsable sa pangyayareng ito.


Nakikipagtulungan ang DSWD sa NBI Cybercrime Unit upang mapatanggal ang nasabing video at malaman kung sino ang taong nasa likod ng page na itopara gamitin sa pagatake sa alkalde. Matatandaan na noong nakaraang taon ay ipinatigil ni Mayor Vico Sotto ang isang proyekto ng St. Gerrard Construction dahil sa maanumalyang building permit nito. | via Dann Miranda | Photo via Rex Gatchalian FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *