17 lugar nasa peligro dahil sa heat index ngayong April 10 — PAGASA

Nagbabala ang PAGASA na aabot sa nakapapasong 43°C ang heat index sa 17 lugar sa bansa, kabilang ang Dagupan, Coron, at San Jose sa Occidental Mindoro! Kasama rin sa mga lugar na nasa “danger zone” ang Subic, Isabela, Bulacan, Palawan, Capiz, Iloilo, Bohol, Samar, Zamboanga, Bukidnon, Cotabato, at Butuan.
📍 Dagupan, Coron, at San Jose ang may pinakamainit: 43°C
📍 14 na iba pa, kabilang ang Iloilo, Bohol, Zamboanga at Isabela: 42°C


Delikado ito sa kalusugan kaya ugaliing uminom ng maraming tubig, iwasang magbilad sa araw lalo na sa tanghali at bawasan ang outdoor activities.
Samantala, umuulan naman sa ilang bahagi ng bansa, sa Eastern Visayas, Caraga, Davao de Oro at Davao Oriental – asahan ang ulan at kidlat dulot ng ITCZ. Sa Metro Manila at iba pang bahagi, maari ring makaranas ng panaka-nakang ulan o thunderstorm dahil sa easterlies. | via Allan Ortega | Photo via scmp.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *