PPCRV umalma sa sexist at racial remarks ng ilang kandidato

Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na maging mapanuri sa pagpili ng mga lider kasunod ng mga sexist remarks na binitiwan ng ilang kandidato sa kampanya para sa darating na halalan.


Ayon kay PPCRV spokesperson Ana Singson, ito ay isang “wake-up call” upang pumili ng mga pinunong may matibay na pagpapahalaga tulad ng pagiging maka-Diyos, tapat, magalang, masipag, matulungin, at makabayan.


Kamakailan laman ng social media at balita ang mga pahayag ng mga kandidato katulad na lamang ng mga pahayag ni Christian Sia na tumatakbong congressman sa Pasig at ni Misamis Oriental Governor Peter Unabia. Ang mga pahayag ng mga kandidato ay nakatanggap ng kritisismo sa mga mamamayan dahil sa mga “sexist” at “racial” tones nito.


Hinihimok naman ng PPCRV na ang mga ganitong mga insidente ay nagpapakita lamang ng kahalagahan ng masusing pagpili sa mga kandidato, dapat ang mga botante ay isaalang-alang ang mga pinunong may malasakit at respeto sa lahat ng sektor ng lipunan dagdag pa nila. | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *