Nagsimula na ang unang araw ng coaching and mentoring program ni MMDA Special Operations Group-Strike Force Head Gabriel Go.



Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na sumailalim si Go sa tinatawag na “mentorship coaching on traffic management” na nakatuon sa pamumuno, kagandahang-asal, disiplina, stress at anger management.




Sinabi ni Artes na ang hakbang ay para sa self-improvement ni Go bilang pinuno ng SOG-SF.
Tatagal ng limang araw ang nabanggit na mentorship training sa ilalim ng pangangasiwa ni Edison Nebrija mula sa MMDA Traffic Education Division. | via Lorencris Siarez | Photo via MMDA Media Group
#D8TVNews #D8TV