Ipinagmalaki ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang pagbaba ng kahirapan sa bansa ngayong 2024, matapos mamuhunan ang gobyerno ng mahigit P600 billion sa mga anti-poverty programs!
Ayon kay NAPC Secretary Lope Santos III sa panayam ng Bagong Pilipinas Ngayon, bumaba na raw ang bilang ng mga “food poor” o yaong wala talagang makain – mula 5.9% noong 2021, naging 4.3% na lang ngayong 2023 ayon sa datos ng PSA.
Masaya ring ibinalita ni Santos na bumaba rin ang bilang ng mga batang kulang sa timbang at bansot, base sa survey ng National Nutrition Council. Ibig sabihin, epektibo ang feeding at nutrition programs ng gobyerno!
Bagamat may survey nitong March na nagsabing 27% ng mga pamilya—lalo na sa Visayas at Metro Manila—ay nakaranas pa rin ng gutom, nilinaw ni Santos na ito’y perception lang at hindi buong larawan ng sitwasyon.
Kasama sa major projects ang DSWD’s Walang Gutom, DepEd feeding programs, DA suporta sa mga magsasaka at mangingisda, at DOLE jobs training. Target pa nilang dagdagan ang pondo ngayong 2025!
Ayon pa sa NAPC, priority ni Pangulong Marcos ang agrikultura—dahil dito nakasalalay ang long-term solusyon sa kahirapan. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA