Naglabas ng Memorandum Order No. 21 ang Department of Agriculture (DA) na pansamantalang nagbabawal sa pagpasok ng mga hayop at animal products mula Slovakia matapos kumpirmahin ang kaso ng foot-and-mouth disease (FMD) doon nitong nakaraang buwan.
Epektibo April 3, ipinagbawal ang pag-angkat ng karne, hooves, horns, casings, tallow, at mga buhay na baboy, baka, kalabaw, at iba pang kabilang sa Suidae, Bovidae, at Cervidae family.
Pero huwag mag-panic dahil hindi kasama sa ban ang UHT milk, heat-treated meat sa sealed containers, gelatine, at processed leather.
Suspendido rin ang pagproseso ng import permits (SPSIC) para sa mga produktong ito.
Kung ang shipment mula Slovakia ay nasa daan na bago naipadala ang memo sa Slovakian authorities, papayagan pa rin ito basta ang produkto ay gawa o kinatay bago March 6 at nag-negative sa FMD test pagdating sa Pilipinas. Bantay sarado ang DA para iwas virus! | via Allan Ortega | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV