Tatlong hinihinalang bigtime tulak ang tiklo matapos ang matagumpay na buy-bust operation ng PDEA-RO BARMM at iba pang law enforcement units sa Sitio Veterans, Brgy. Maganda, Lamitan City nitong Abril 8!
Kinilala ang mga arestado na sina alyas “Ricky” (49) – umano’y operator ng drug den, “Jong” (51), at “Micco” (33) – lahat taga-roon. Nasabat mula sa kanila ang 14 na pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 6 grams at may street value na ₱40,800, pati na buy-bust money, drug paraphernalia, at cellphone.
Pinasalamatan ni PDEA Director Gil Cessrio P. Castro ang lokal na pamahalaan ni Mayor Orick Furigay at mga partner agencies sa walang sawang suporta kontra droga.
Ang tatlo ngayon ay haharap sa kasong paglabag sa RA 9165. | via Allan Ortega | Photo via PDEA PIO


#D8TVNews #D8TV