Inutusan ng Kamara ang pag-aresto sa 4 na vloggers dahil sa pagtanggi sa imbestigasyon

Nagpakitang-gilas ang tech giant Meta sa Kongreso kahapon, nang mangakong makikipagtulungan sila sa kampanya laban sa fake news sa social media. Sa gitna ng hearing ng House tri-committee, inutusan ang pag-aresto sa apat na personalidad online — Sass Sasot, Mark Lopez, Lorraine Badoy, at Jeffrey Celiz — matapos isnabin ang subpoena. Si Lopez, kahit nakadalo na dati, binanatan ang committee kaya kinulong ng 10 araw. Sina Sasot, Badoy, at Celiz ay mananatili sa House detention habang may hearing.
Ibinunyag rin ng Meta na ang vlog ni Mark Lopez tungkol sa West Philippine Sea ay pinasinungalingan ng kanilang fact-checkers (Rappler, VERA Files, AFP). Sa gitna ng hearing, tinawag ni Rep. Pimentel ang fake news bilang “krisis sa lipunan” at iginiit na kailangang may pananagutan ang mga social media platforms.
Ibinulgar din ng Coast Guard na may organized fake news campaign na pro-China sa social media. Si vlogger Vicente Cunanan ay nag-akusa na si Harry Roque ang nasa likod ng Polvoron video laban kay PBBM. Kasabay nito, nagprotesta si ex-Congressman Neri Colmenares laban sa red-tagging, fake news, at paninira sa aktibista’t mamamahayag. | via Lorencris Siarez | Photo via House of Representatives FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *