Ipinahayag ng Malacañang na nag-aalala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mapanganib na galaw ng China Coast Guard (CCG) sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nananatiling kalmado pero matatag ang gobyerno: “Professional tayo, pero may tapang at pagmamahal sa bayan!”
Kamakailan, sinita ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barko ng China na pumasok sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas – humigit-kumulang 83 nautical miles mula sa Zambales.
Habang papunta ang BRP Cabra ng PCG sa bahaging timog-kanluran ng Panatag, sinundan ito ng barko ng CCG, halos ramming distance na 16 metro lang ang layo! Ayon sa PCG, garapal ang kilos ng China – para bang babanggain ang barko natin.
Walang atrasan ang Pilipinas, pero nananatiling propesyonal, ayon sa Palasyo. | via Allan Ortega | Photo via Philippine Coast Guard
#D8TVNews #D8TV