Ang Department of Transportation (DOTr) ay naghahanap na ng paraan para payagan ang mga unconsolidated na mga driver at operator na makabalik sa kanilang mga ruta, matapos magtapos ang deadline para sa consolidation ng mga public utility vehicles (PUVs).
Inanunsyo ni Transportation Sec. Vince Dizon sa transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) na may direktibang inilabas para matulungan ang mga ito. Sa isang protestang isinagawa ng Piston, sinabi ni Dizon na bago matapos ang Holy Week, magkakaroon na ng mekanismo para makabalik ang mga unconsolidated na driver. Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, inanunsyo na ni Dizon noong March 31 na papayagan na ang mga hindi nakasama sa consolidation at mailalabas ang Memorandum Circular bago magtapos ang Holy Week. | via Lorencris Siarez | Photo via spot.ph
#D8TV #D8TVNews