Walang atrasan si DSWD Secretary Rex Gatchalian! Agad nitong tiniyak sa publiko na handang-handa ang kanyang ahensya sa panibagong pagsabog ng Mt. Kanlaon nitong Martes ng madaling araw.
May nakaabang na mahigit 250,000 family food packs (FFPs) sa mga bodega ng DSWD Field Offices sa Western at Central Visayas. Mahigit 2.5 milyong FFPs pa ang nakaimbak sa iba’t ibang panig ng bansa, ready anytime!
Hindi lang pagkain—may mahigit P865 milyon na halaga ng non-food relief items din: hygiene kits, sleeping kits, laminated sacks, at iba pa.
Simula pa noong unang pagsabog noong Dec. 9, tuloy-tuloy na ang hatid-tulong ng DSWD sa mga LGU sa rehiyon. Kung tataas pa ang bilang ng evacuees? No problem, may sapat na supply!
Paalala ni Gatchalian: “Unahin ang kaligtasan! May darating na tulong, kaya makinig sa evacuation orders!”
Bantay sa Kanlaon, full force ang DSWD! | via Lorencris Siarez | Photo via DSWD-Western Visayas
#D8TVNews #D8TV