Good news, bumagsak ang unemployment rate ng bansa sa 3.8% nitong February, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Mas mababa ito kumpara sa 4.3% noong January at pinakamababa simula December na may 3.1%.
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, nasa 1.94 milyon na lang ang walang trabaho – mas kaunti kumpara sa 2.16 milyon noong January.
Samantala, tumaas naman ang employment rate sa 96.2%, katumbas ng 49.15 milyong Pilipino na may trabaho. Mas mataas ito kumpara sa 48.49 milyon noong January.
Big time ang dagdag-trabaho sa mga sektor ng accommodation & food services (+377k), pangingisda (+365k), gobyerno at depensa (+330k), construction (+258k), at iba pang serbisyo (+232k). Ayon kay Mapa, nadagdagan ang mga trabaho dahil sa summer break at paghahanda sa midterm elections.
Hindi lang yan—bumaba rin ang bilang ng mga underemployed sa 4.96 milyon (10.1%), mula sa 13.3% noong January. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA/Yancy Lim
#D8TVNews #D8TV