Para sa mga tunay na OG fans ng liga, may bonggang pa-promo ang PBA! Lahat ng ipinanganak noong 1975 – taon ng unang season ng PBA – ay libreng makakapanood sa doubleheader game sa Abril 9 sa Rizal Memorial Coliseum bilang bahagi ng 50th Anniversary celebration ng liga! Basta’t may proof ka lang na ’75 ka pinanganak, pasok ka na!
Para sa ibang fans, sulit pa rin dahil P50 lang ang lower box at P30 sa general admission!
Dalawang laban ang mapapanood:
• 5:00 PM – Magnolia vs Converge
• 7:30 PM – Meralco vs San Miguel (rematch ng 2024 Philippine Cup Finals!) na may retro jerseys pa!
At may bonus pa! Libreng anniversary T-shirt para sa lahat ng pupunta. Kaya kung fan ka noon pa man o bagong salta lang, huwag palampasin ang 50th Anniversary celebration ng ligang minahal ng bayan. | via Allan Ortega | Photo via PBA Games
#D8TVNews #D8TV