Gumamit ang DOST-PHIVOLCS ng computer simulations upang masubaybayan ang pagkalat ng abo mula sa pagputok ng Bulkang Kanlaon noong 08 Abril 2025. Ang simulation ay nakabatay sa datos ng taas ng plume mula sa ahensya, at sa tagal ng pagsabog na umabot ng 56 minuto—mula 5:51 AM hanggang 6:47 AM.
Naitalang nagkaroon ng ashfall sa mga Barangay ng Cubay, San Miguel, at La Granja sa La Carlota City. Ayon sa modelo, karamihan ng abo ay kumalat sa taas na 5 kilometro, dahilan kung bakit kaunti lamang ang abo sa kanlurang bahagi ng Kanlaon, na kinumpirma rin ng mga ulat ng mga residente.
𝗚𝘂𝗺𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗢𝗦𝗧-𝗣𝗛𝗜𝗩𝗢𝗟𝗖𝗦 𝗻𝗴 𝗔𝘀𝗵𝟯𝗗, 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗼𝗱𝗲𝗹𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗮𝗯𝗼, 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗲𝗻𝘀𝗶𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗹𝗼𝗸𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗺𝗼𝗻𝗶𝘁𝗼𝗿 𝗻𝗴 𝗮𝘀𝗵𝗳𝗮𝗹𝗹. 𝗚𝗶𝗻𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗽𝗮 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗹, 𝗱𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗮𝘁 𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗮𝗯𝗼 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝘂𝗸𝗼𝘆 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘀𝗶𝗶𝗻𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗻𝗮 𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝗮𝗱𝗼 𝗼 𝗺𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗮𝗽𝗲𝗸𝘁𝘂𝗵𝗮𝗻.
Nanatili sa Alert Level 3 ang status ng Bulkang Kanlaon, na nangangahulugang may posibilidad pa ng mga susunod na pagputok. | Benjie Dorango
#D8TVNews #D8TV
