Ipinahayag ng pamunuan ng MRT-3, LRT-1, at LRT-2 na walang operasyon mula Abril 17 (Huwebes Santo) hanggang Abril 20 (Linggo ng Pagkabuhay) bilang bahagi ng kanilang taunang maintenance check.
Balik-operasyon na sa Lunes, Abril 21!
• MRT-3: Una ang biyahe mula North Avenue Station sa 4:30 AM, at Taft Avenue Station sa 5:05 AM.

• LRT-1: Lahat ng tren ay dadaan muna sa inspeksyon bago bumalik ang normal na operasyon.

• LRT-2: Regular trips magsisimula ulit sa 5:00 AM ng Lunes.

Ginagawa ito para masigurong ligtas at maayos ang serbisyo ng mga tren pagbalik ng normal na biyahe. | via Allan Ortega | Photo via DOTr MRT-3, Light Rail Manila Corporation, LRT2
#D8TVNews #D8TV