SOG-SF Chief Gabriel Go, mananatili sa pwesto ng MMDA

Hindi tinanggal si Gabriel Go at mananatili pa ring pinuno ng MMDA Special Operations Group-Strike Force kahit nasangkot sa mainit na sagutan sa pulis sa QC clearing ops noong Marso 25.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, hindi ito parusa kundi self-improvement move! Si Go ay sasailalim sa 5-araw na training at coaching ukol sa traffic management, leadership, courtesy, at discipline — may special focus pa sa stress at anger management.
Ang kanyang training ay pangungunahan ni Edison Nebrija mula sa Traffic Education Division ng MMDA.
Sa reklamo laban kay Go, kinilala ng MMDA Legal Division na nagpakita ito ng simple discourtesy at binigyan ng matinding babala — huwag na mauulit o mas mabigat na parusa ang kakaharapin!
Paalala ng MMDA sa lahat ng traffic enforcers: maximum tolerance at professionalism ang laging baon sa mga operasyon! | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *