Palasyo: Mga kasong inihain laban sa 17 naarestong OFWs sa Qatar ibinasura

Dismissed na ang mga kasong isinampa laban sa 17 Pilipinong inaresto sa Qatar dahil sa ilegal na pampublikong demonstrasyon.
Ayon kay Claire Castro, Press Officer ng Malacañang at Undersecretary ng Presidential Communications, nakipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Qatari Ambassador Ahmed Saad Nasser Abdullah Al-Homidi sa Malacañang noong Lunes ng umaga. Ipinaalam ni Qatari Ambassador kay Marcos na dismissed na ang mga kaso laban sa mga Pilipino.
“Ayon kay Ambassador Al-Homidi, ito raw ay isang patunay ng matatag na pagkakaibigan ng Pilipinas at Qatar,” sabi ni Castro.
Ang 17 na overseas Filipino workers (OFWs), kabilang ang 12 lalaki at 5 babae, ay inaresto matapos sumama sa rally na sumuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakakulong sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, dahil sa mga paratang ng paglabag sa karapatang pantao kaugnay ng kanyang war on drugs. | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *