Sa kabila ng hindi magandang reviews, ang bagong pelikula ng Warner Bros. na “A Minecraft Movie,” na pinangunahan nina Jack Black, Jason Momoa, at Jennifer Coolidge, ay nagpasabog ng record sa North America, kumita ng tinatayang $157 milyon sa unang weekend nito! Ang pelikula, na ginawa kasama ang Legendary Pictures, ay naging pinakamalaking domestic release ngayong taon at tinalo ang “Super Mario Bros. Movie” noong 2023, na kumita ng $146 milyon. Sa kabuuang $301 milyon mula sa mga ticket sales, mas pinataas pa nito ang $150 milyon na production budget. Ang laro ng Minecraft, na may higit sa 300 milyong kopya na nabenta, ay may malaking bahagi sa tagumpay ng pelikula.
Sa kabila ng hindi magandang review, sinabi ng mga analyst na may “cross-generation appeal” ang pelikula, at ang mga pelikulang ganito ay para sa mga manonood, hindi sa mga kritiko.
Sa pangalawang pwesto ang “A Working Man” na kumita ng $7.3 milyon, at sa ikatlo ay “The Chosen: Last Supper Part 2” na may $6.7 milyon. Sa kabila ng malaking budget, hindi naging maganda ang takbo ng “Snow White” na kumita lang ng $77.4 milyon sa loob ng tatlong linggo.
Ang mga pelikulang nasa top 10 ay kinabibilangan ng “Death of a Unicorn” ($2.7M), “The Chosen: Last Supper Part 1” ($1.9M), at “Captain America: Brave New World” ($1.4M). | via Lorencris Siarez | Photo via Handout/Warner Bros. Pictures
#D8TVNews #D8TV