Solong nanalo ng P223.7 milyon sa Ultra Lotto 6/58 jackpot

Isang maswerteng manlalaro ang nanalo ng ₱223,728,165.20 jackpot ng Ultra Lotto 6/58, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Nakuha ng maswerteng manlalaro ang winning combination na 09-11-02-23-26-07 sa draw ng Linggo ng gabi. Dahil dito, ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 ay babalik sa pinakamataas na paunang premyo na ₱49.5 milyon, matapos ang tatlong buwan nang may huling nanalo noong Enero 5 ng ₱314.5 milyon, ayon sa PCSO data. Samantala, walang nanalo ng winning combination ng Super Lotto 6/49 na nagkakahalaga ng ₱65.9 milyon sa parehong draw ng Linggo ng gabi. Ang susunod na raffle para sa Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 ay gaganapin sa Martes, Abril 8. | via Allan Ortega | Photo via lottonijuan.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *