Mga kompanya ng langis magpapatupad ng bawas-presyo

Nakatakdang magbaba ng presyo ng langis ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo dahil sa mahinang kalagayan ng pandaigdigang ekonomiya at pagtaas ng produksiyon ng langis.
Ayon sa Shell, Cleanfuel, at Seaoil, babawasan nila ang presyo ng gasolina ng ₱0.10 kada litro, habang walang magiging pagbabago sa presyo ng diesel. Bababa naman ng ₱0.50 kada litro ang presyo ng kerosene.
Noong nakaraang linggo, nagtaas ang mga kumpanya ng langis ng ₱1.40 kada litro sa gasolina, at ₱1.20 kada litro naman para sa diesel at kerosene. | via Lorencris Siarez | Photo via 2ufuel.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *