VP Sara, balik-Pilipinas matapos ang pananatili sa The Hague para kay dating Pangulong Duterte

Bumalik na sa bansa si Vice President Sara Duterte nitong Linggo ng gabi matapos ang mahigit tatlong linggo sa The Netherlands, kung saan nakakulong ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng madugong giyera kontra droga.
Lumapag ang eroplano ni VP Sara sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong 9:56 ng gabi. Ayon sa pahayag ng kanyang opisina, inaasahang haharap si Sara sa mga isyung may kinalaman sa kanyang pagbabalik sa mga susunod na araw.
Dumating si dating Pangulong Duterte sa The Hague noong Marso 12 matapos arestuhin sa Pilipinas noong Marso 11. Sumunod naman si VP Sara noong Marso 13 para buuin ang kanyang depensa.
Pagbalik sa bansa, haharapin naman ni VP Sara ang sariling kaso — matapos siyang ma-impeach ng Kamara noong Pebrero dahil sa diumano’y maling paggamit ng confidential funds at iba pang paratang. | via Allan Ortega | Photo via Jay-Vee Marasigan Pangan

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *