Swerte ang dalawang mananaya mula sa Quezon at Davao de Oro matapos tamaan ang jackpot prize ng 6/42 Lotto na umabot sa ₱6.1 milyon nitong Sabado ng gabi!
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang mga nanalo ay bumili ng kanilang mga tiket sa Compostela Public Market, Davao de Oro at sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon. Tumugma ang kanilang numero sa winning combination na 11-10-05-42-24-39.
May isang taon silang palugit para i-claim ang premyo sa PCSO main office sa Mandaluyong, basta’t dala ang winning ticket at dalawang valid ID. Take note: may 20% tax sa premyong lagpas ₱10,000, ayon sa TRAIN Law.
Bukod sa jackpot winners, may 42 na mananaya rin ang nanalo ng ₱24,000 bawat isa sa 5 tama, habang 1,763 players ang tumanggap ng ₱800, at 24,678 pa ang nanalo ng ₱20 para sa 3 tamang numero.
Ang 6/42 Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Panawagan ni PCSO GM Mel Robles: Suportahan ang mga laro ng PCSO para sa dagdag na pondo sa mga medical at charity programs ng gobyerno. | via Allan Ortega | Photo via PCSO
Dalawang mananaya maghahati sa P6.1-M premyo sa lotto
