Bumida ang 12-anyos na Pinay gymnast na si Jhodelle Chavez matapos masungkit ang apat na medalya sa GAP Challenge 2025 na ginanap noong Marso 29-30. Ginto sa beam, dalawang pilak sa uneven bars at overall, at bronze sa floor exercise ang kanyang inuwi mula sa kompetisyong ito.
Ayon sa kanyang ina na si Jonalyn, “Masayang-masaya kami kasi importante itong GAP Challenge kay Jody.” Limitado lang sa 10 araw ang pagbisita nila sa bansa para sa event, at agad ding babalik sa Italy para ipagpatuloy ang training at pag-aaral ni Jhodelle.
Hindi pa rito nagtatapos ang laban ng batang kampeon—nakalinya na ang dalawang torneo sa Italy, kabilang ang National Championships sa Riccione ngayong Mayo, kung saan tatlong sunod na taon na siyang kampeon. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV