Sinibak at isinailalim sa restrictive custody ang walong pulis ng Eastern Police District (EPD) matapos masangkot sa umano’y ilegal na operasyon sa Las Piñas noong Abril 2. Target ng operasyon ang isang Chinese national sa isang exclusive subdivision—na sakop pala ng Southern Police District, at hindi ng EPD!
Ayon kay EPD Chief P/BGen. Villamor Tuliao, walang koordinasyon at walang suot na body cam ang mga pulis habang inaaresto ang dayuhan. Mas matindi pa, sapilitang hiningan daw nila ng ₱12 milyon ang Chinese kapalit ng kanyang kalayaan!
Bukod pa riyan, kinulimbat din umano ng mga pulis ang malaking halaga ng pera, mga gamit, at isang mamahaling relo ng biktima. Tiyak na kakasuhan sila ng administrative at criminal cases. | via Lorencris Siarez | Photo via web.facebook.com
#D8TVNews #D8TV