Dahil sa tumitinding tension sa pagitan ng China at Taiwan, nagpaalala ang MECO na walang dapat ikaalarma ang ating mga kababayan sa Taiwan.
May nakahandang Contingency Plan na ang Mirgrant Workers Office ng DMW kung sakaling tumaas pa lalo ang tension ng dalawang bansa.
Nakikipagtulungan naman ang ahensya sa mga awtoridad sa Taiwan patungkol sa seguridad ng mga OFW. Hinihimok ng DMW ang mga OFW na maging kalmado at maging mapagmatyag, kumuha lamang ng impormasyon sa mga ahensya ng gobyernno, naninindigan naman ang DMW na ang pamahalaan ay nakatuon sa kaligtasan at kapakanan nila at ng kanilang pamilya | via Dann Miranda | Photo via MECO FB Page
#D8TVNews #D8TV