Libreng sakay sa MRT-3 para sa mga beterano ng digmaan sa Pagdiriwang ng Linggo ng mga Beterano ng Pilipinas, Abril 5-11

Simula Abril 5 hanggang 11, may libreng sakay sa MRT-3 para sa mga beterano, ayon sa DOTr. Kailangan lang ipakita ang kanilang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) ID sa mga tauhan ng estasyon. Pwede rin magsama ng isang kasama!
Ginawa na rin ito ng MRT-3 noong nakaraang taon bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Abril 9 at Philippine Veterans’ Week mula Abril 5 hanggang 11.
“Kinilala ng MRT-3 ang sakripisyo ng ating mga beterano noong World War II,” ayon kay MRT-3 General Manager Michael Capati.
Samantala, North Avenue Station ay bukas mula 4:30 AM hanggang 10:30 PM, habang Taft Avenue Station ay mula 5:05 AM hanggang 11:09 PM.
Saludo sa ating mga beterano! | via Lorencris Siarez | Photo via DOTr MRT-3

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *