Fil-Am Chef Tara Monsod, kasali sa mga finalist ng James Beard Award.

Sa ikalawang taon, napabilang si Chef Tara Monsod sa mga finalist ng James Beard Award para sa Best Chef: California. Siya ang kasalukuyang executive chef ng Animae steakhouse sa San Diego at Le Coq sa La Jolla.

Sa pamumuno ni Chef Tara, nakilala ang Animae sa mga panlasang Filipino. Napasama din ang Animae sa Michelin Plate recognition sa 2024 guide dahil sa kanilang Short Rib Kare-Kare.

Bukod kay Monsod, kabilang din sa mga finalist sina Daniel Castillo ng Heritage Barbecue sa San Juan Capistrano, Jon Yao ng Kato sa Los Angeles, Richard Lee ng Saison sa San Francisco, at Kosuke Tada ng Mijoté, na parehong nasa San Francisco. Ang James Beard Awards ay ang tinuturin na pinakamataas na award sa larangan ng Culinary Arts, ito’y nag bibigay parangal sa mga chef na nagpapakita ng kahusayan at innovation sa kanilang mga lutuin. | via Dann Miranda | Photo via Tara Luansing Monsod FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *