Binabago ng Department of Agriculture (DA) ang polisiya sa pork tariffs na 30 taon nang mababa dahil sa pang-aabuso ng iilang importers. Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., 22 importers lamang ang kumokontrol sa 70% ng kabuuang alokasyon.
Pero giit ng Meat Importers and Traders Association (Mita), hindi sila dapat sisihin dahil sinusunod lang nila ang itinakdang patakaran. Sinabi ng kanilang emeritus president na si Jesus Cham na dapat dagdagan ang minimum access volume (MAV) para mas maraming importers ang makapasok.
Sa ngayon, may 55,000 metric tons (MT) ang MAV, kung saan 30,000 MT ang para sa meat processors. Plano ng DA na itaas ito sa 40,000 MT para mapababa ang presyo ng karne sa merkado.
Noong Marso 10, itinakda ng DA ang maximum suggested retail price (MSRP) ng liempo sa P380/kilo, habang P350/kilo naman ang pigue at kasim. Gayunpaman, 39% lamang ang sumusunod sa price ceiling na ito, ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa. | via Allan Ortega | Photo via bworldonline.com
#D8TVNews #D8TV