Habang bumababa ang crime rate, dumarami naman ang fake news na nagpapalaganap ng takot sa publiko

Nagbabala si Speaker Martin Romualdez laban sa kumakalat na fake news sa social media tungkol sa krimen. Aniya, habang bumababa ang totoong crime rate, dumarami naman ang gawang-gawang istorya at scripted na video na nagpapalaganap ng takot.
“Panloloko ito, hindi entertainment!” matapang na pahayag ng House Speaker, sabay himok sa netizens na huwag gamitin ang social media sa panlilinlang.
Samantala, ipinagmamalaki naman ng PNP Chief PGen. Rommel Francisco D. Marbil ang 18.4% na pagbaba ng Eight Focus Crimes mula Nobyembre 2024 hanggang Marso 2025. Mas ligtas na ang mga lansangan, pero nananatiling alerto ang PNP lalo na sa nalalapit na 2025 elections.
Babala ng mga awtoridad: Huwag magpaloko, at maging mapanuri sa mga nakikita online! | via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *