Pumanaw sa Los Angeles si Val Kilmer, 65, ang aktor na gumanap bilang Batman sa Batman Forever, Jim Morrison sa The Doors, at Doc Holliday sa Tombstone. Ayon sa kanyang anak na si Mercedes, pneumonia ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Matagal nang lumalaban si Kilmer sa throat cancer, na nagresulta sa pagkawala ng kanyang boses. Sa kabila nito, nagbalik siya sa Top Gun: Maverick noong 2022.
Sumikat siya noong ’80s at ’90s sa mga pelikulang Top Gun, Real Genius, Willow, Heat, at The Saint. Nakilala rin siya sa kanyang intense na pagganap bilang Jim Morrison, kung saan isinabuhay niya ang karakter hanggang sa pananamit.
Nagkaroon din siya ng reputasyon bilang mahirap katrabaho, lalo na sa pelikulang The Island of Dr. Moreau, kung saan nagkaroon ng tensyon sa pagitan niya at ng co-star na si Marlon Brando.
Maliban sa pag-arte, siya rin ay isang manunulat at pintor. Ang kanyang memoir na I’m Your Huckleberry ay inilabas noong 2020. Iniwan niya ang dalawang anak na sina Mercedes at Jack. | via Lorencris Siarez | Photo via Mark Humphrey/AP/REX/Shutterstoc
#D8TVNews #D8TV