Inaprubahan ng US ang posibleng bentahan ng mga fighter jets sa Pilipinas

Inaprubahan ng U.S. Department of State ang posibleng pagbebenta ng 20 Lockheed Martin F-16 fighter jets sa Pilipinas na nagkakahalaga ng USD5.58 bilyon.
Ayon sa pahayag ng U.S. Defense Security Cooperation Agency, humiling ang gobyerno ng Pilipinas ng 16 F-16C Block 70/72 at 4 F-16D Block 70/72 fighter jets.
Ang pagbebenta ay magsusustento sa kakayahan ng Philippine Air Force sa maritime domain awareness at close air support missions, pati na rin sa pagpapahusay ng kanilang kakayahan sa pag-atake at pag-suppress ng kaaway na air defenses.
Kasama sa package ang 24 F110-GE-129D o F100-PW-229 engines, 22 advanced radar, mission computers, at iba pang kagamitan tulad ng air-to-air missiles, bomba, at electronic countermeasure systems. Kasama rin ang mga simulator at training devices.
Tiniyak ng DSCA na hindi maaapektuhan ang basic military balance nito sa rehiyon. Ang bentahang ito ay magpapalakas sa ugnayang pangmilitar ng Pilipinas at U.S. at magpapahusay sa seguridad ng bansa.
Sinabi ni Assistant Secretary Arsenio Andolong ng Department of National Defense na wala pang opisyal na abiso tungkol dito. | via Lorencris Siarez | Photo via reddit.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *