Hindi pa magtataas ng pasahe ang MRT-3, ayon kay bagong talagang General Manager Michael Jose Capati. “Walang plano sa ngayon,” aniya sa isang panayam sa radyo, kasabay ng pagsisimula ng taas-pasahe sa LRT-1 ngayong araw.
Bumalik si Capati bilang pinuno ng MRT-3 matapos sibakin ni DOTr Secretary Vince Dizon si Oscar Bongon noong Marso, kasunod ng insidente ng sirang escalator sa Taft Avenue station na ikinasugat ng 10 pasahero.
Samantala, dinepensahan ng DOTr ang taas-pasahe sa LRT-1, sinabing kailangan ito para sa mga upgrade at pagpapalawig ng linya patungong Cavite. Bagamat may tutol, iginiit ng ahensya na matagal nang dapat itong ipinatupad para mapanatili ang operasyon ng tren. | via Allan Ortega | Photo via Gov
#D8TVNews #D8TV