Sakay ng C-130, inaasahan na darating anumang oras sa Myanmar, ang DOH Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) para rumesponde sa mga pangangailangang medikal ng mga naapektuhan ng 7.7 magtinude na lindol.
Mismong si Sec. Ted Herbosa ang naghatid sa PEMAT kanina sa Villamor Airbase bilang suporta sa misyon ng grupo na kinabibilangan ng mga doktor, nurse, medical technologist, pharmacist, midwife, nursing attendant, administrative, logistics, at technical staff.