Magkakaroon ng rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang ilang kumpanya ngayong Abril. Babawasan ng Solane ang kanilang presyo ng P0.27 kada kilo, na katumbas ng P2.97 bawas sa bawat 11-kilogram na tangke, epektibo alas-6 ngayong umaga. Samantala, magpapatupad naman ang Petron ng P0.25 bawas kada kilo, o P2.75 sa bawat 11-kilogram na tangke, simula kaninang 12:01 ng hatinggabi. Matatandaang noong Marso 1 ay nagpatupad na rin ng rollback ang dalawang kumpanyang ito.| Benjie Dorango
#D8TVNews #D8TV