Gloria Macapagal Arroyo, humihiling ng panalangin para sa pamilya

Nanawagan si dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo ng panalangin para sa kanyang pamilya na kasalukuyang dumaranas ng seryosong hamon sa kalusugan. Kwento ng dating pangulo, ang kanyang asawang si Mike Arroyo ay sasailalim sa isang major heart surgery sa Abril 7 dahil sa paglaki muli ng dissecting aortic aneurysm na unang inoperahan noong 2007. Samantala, ang kanilang anak na si Mikey Arroyo ay sumailalim na sa operasyon noong Marso 18 matapos ma-diagnose na may stage one thyroid cancer. Bukod dito, iniulat din ni Ginang Arroyo ang pagpanaw ng kanyang nephew-in-law na si Paowee Tantoco. Nakatakda siyang magtungo sa Singapore upang samahan ang kanyang asawa sa nalalapit nitong operasyon. Sa gitna ng mga pagsubok na ito, humihiling si Ginang Arroyo ng panalangin at suporta mula sa publiko para sa mabilis na paggaling ng kanyang mga mahal sa buhay. | Benjie Dorango | Photo via Pampanga Rep. Gloria Arroyo/FB

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *