Nagbigay ng abiso ang MDRRMO Sta. Ana sa mga residente, lalo na sa mga nakatira malapit sa dagat, tungkol sa posibleng pagbagsak ng debris mula sa Long March 7A rocket ng China. Ayon sa PhilSA, maaaring bumagsak ang debris malapit sa Dalupiri Island, Sta. Ana, Cagayan, at Ilocos Norte, na posibleng magdulot ng panganib sa mga sasakyang pandagat.
Pinapayuhan ang publiko na huwag lumapit sa anumang debris at agad ipagbigay-alam ito sa mga otoridad. Katuwang ng MDRRMO sa pagbibigay ng babala ang PCG at iba pang miyembro ng MDRRM Council. | via Allan Ortega | Photo via pinterest.com.mx
#D8TVNews #D8TV