Hindi raw kayang pigilan ng gobyerno ang nakaambang taas-pasahe sa LRT-1 dahil nakasaad ito sa kontrata sa operator, ayon sa Malacañang nitong Lunes.
Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, matagal nang dapat itinaas ang pasahe pero hinold muna para sa commuters. “Gustuhin man ng administrasyon na hindi ito ituloy, pero ‘yan po ang nasa kontrata,” aniya.
Epektibo sa Abril 2, ang maximum single journey fare mula P45 ay taas ng P55, habang ang minimum fare ay magiging P20 mula P15. Para sa stored value card, ang maximum fare ay magiging P52 mula P43, at ang minimum ay P16 mula P15.
Giit ng Malacañang, kung hindi ipatupad ang taas-pasahe, posibleng lumala pa ang problema sa LRT-1. | via Lorencris Siarez | Photo via Gov
#D8TVNews #D8TV