Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA Terminal 3 ang isang Vietnamese na wanted sa Pilipinas dahil sa pang-kidnap at panggagahasa ng isang babaeng Chinese noong 2023.
Kinilala ang suspek na si Nguyen Hu Mai, 48, na naharang noong Marso 21 habang papatakas sakay ng Cebu Pacific papuntang Saigon. Agad siyang na-detect sa BI watchlist at inaresto.
Ayon sa BI-BCIU, si Nguyen at dalawang Chinese nationals ay matagal nang wanted mula pa noong Marso 10 dahil sa kasong kidnapping at rape.
Batay sa imbestigasyon, noong Marso 2, 2023, sapilitang dinukot ng tatlong dayuhan ang biktima mula sa kanyang condo sa Makati. Dinala siya sa isang tagong lugar, ginahasa nang paulit-ulit, at hiningan ng P4 milyon ransom para sa kanyang kalayaan.
Kasalukuyang nakakulong si Nguyen sa detention facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. | via Allan Ortega | Photo via BI
#D8TVNews #D8TV