Inaasahan ng DFA ang repatriation requests ng mga Pilipino matapos ang lindol sa Myanmar

Inaasahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang repatriation ng mga Pilipinong naapektuhan ng 7.7 magnitude na lindol sa Myanmar. Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, may mga kababayan tayong nawalan ng trabaho kaya’t maaaring humiling ng pag-uwi.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng embahada ang mga request. “Katulad ng nangyari sa Turkiye noong 2023, tutulungan natin ang gustong umuwi,” sabi ni De Vega. Dahil naapektuhan din ang mga paliparan sa Myanmar, ang mga iuuwi ay unang dadalhin sa Bangkok, Thailand bago tuluyang makabalik sa Pilipinas.
Apat na Pilipino ang hindi pa rin natatagpuan matapos ang lindol na kumitil ng mahigit 1,700 buhay. Samantala, tiniyak ng gobyerno na may reintegration program para sa mga uuwing Pinoy at nakikipagtulungan na rin ang Department of Migrant Workers (DMW) upang magbigay ng suporta.
Nagpahayag din ng pakikiramay ang Pilipinas sa Myanmar at Thailand, kasabay ng pagtitiyak na handa itong magbigay ng tulong sa mga biktima. | via Lorencris Siarez | Photo via REUTERS/ Stringer

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *