Sinabi ni Trump na “galit na galit” siya kay Putin dahil sa Ukraine

Galit na galit si US President Donald Trump kay Russian leader Vladimir Putin matapos nitong kwestyunin ang pagiging lider ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky. Sa isang panayam ng NBC, sinabi ni Trump na “pissed off” siya sa mga pahayag ni Putin at nagbantang magpataw ng mabibigat na taripa sa langis ng Russia kung hindi titigil ang digmaan sa Ukraine.
Matagal nang sinusubukan ng administrasyon ni Trump na tapusin ang mahigit tatlong taong giyera, ngunit bigo pa rin ito na makamit ang ceasefire. Tumanggi si Putin sa 30-day truce proposal at muling iginiit na alisin si Zelensky sa kapangyarihan bilang bahagi ng peace process.
Samantala, patuloy ang opensiba ng Russia, pero hindi pa rin ito nakakamit ang malaking tagumpay. Sinabi naman ni Zelensky na handa siyang makipaglaban at nanawagan sa kanyang mga kaalyado na patawan pa ng mas mabigat na parusa ang Moscow.
Sa kabila ng negosasyon para sa isang Black Sea truce, ayaw pa rin ng Russia na sumang-ayon hangga’t hindi tinatanggal ang ilang sanctions. Samantala, posibleng sapul sa bantang taripa ni Trump ang mga bansang bumibili ng langis sa Russia, tulad ng China at India. | via Allan Ortega | Photo via reddit.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *