P45 na pinakamataas na SRP para sa imported na bigas ay epektibo na simula ngayon

Personal na pangungunahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang inspeksyon sa mga pamilihan ngayong araw, kasabay ng pagpapatupad ng P45/kilo na pinakamataas na suggested retail price (SRP) sa imported na bigas. Kasama niya sina Trade Secretary Cristina Roque, mga opisyal ng lungsod, at pulisya.
Sunod-sunod ang pagbaba ng SRP mula P58/kilo noong Enero 20 hanggang P49/kilo nitong Marso 1. Ngunit kahit binawasan ang taripa sa imported rice mula 35% sa 15% sa bisa ng Executive Order No. 62, hindi ito nagresulta sa malaking pagbaba ng presyo.
Samantala, isinisisi ni dating Agriculture Secretary Leonardo Montemayor ng Federation of Free Farmers ang pagbaha ng murang imported rice sa pagbagsak ng presyo ng palay, na bumaba sa P14/kilo. Dagdag pa niya, imbes na makinabang ang mamimili, mga importer at trader lang ang kumita sa tariff cuts. | via Lorencris Siarez | Photo via jbsolis.co

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *