
Laglag sa buy-bust! Arestado si alyas Irene, 42, matapos maaktuhan sa pagbebenta ng iligal na droga sa Calamba City, Laguna. Nahulihan siya ng 550 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱3.7 milyon!
Ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA Regional Office 4A katuwang ang lokal na pulisya. Kasong paglabag sa RA 9165 ang haharapin ng suspek na ngayo’y nasa kustodiya ng PDEA sa Santa Rosa City. | via Allan Ortega | Photo via PDEA
#D8TVNews #D8TV