Isang malaking karangalan ang natanggap ng Filipina skateboarder at Olympian na si Margielyn Didal matapos siyang mapabilang bilang playable character sa paparating na video game na “Tony Hawk’s Pro Skater 3+4,” na nakatakdang ilabas sa July 2025.
Sa trailer ng laro, makikita si Didal na nagpapakita ng kanyang husay sa skateboarding, ipinahayag rin niya sa trailer ang kanyang kasiyahan sa pagiging bahagi ng laro
Bukod kay Didal, kasama rin sa roster ng mga pro skaters sa laro sina Leticia Bufoni, Lizzie Armanto, Leo Baker, Yuto Horigome, Jamie Foy, at si Tony Hawk mismo. Ang “Tony Hawk’s Pro Skater 3+4” ay isang remake ng mga naunang bersyon na inilabas noong early 2010s at magiging available sa iba’t ibang gaming platforms.
Si Didal ay ang Pilipina Skateboarder na may mga gintong medalya mula sa 2018 Asian Games at Southeast Asian Games. Naging viral din siya noong 2021 matapos magbiro tungkol sa hindi pagkakakilala kay Tony Hawk sa Tokyo Olympics, na nagdagdag sa kanyang kasikatan sa skateboarding community. Ang pagpasok ni Didal sa nasabing video game ay isang patunay ng kanyang lumalawak na impluwensya sa mundo ng skateboarding at isang inspirasyon sa mga kabataang Pilipino na nagnanais sumunod sa kanyang yapak. | Photo via Margielyn Didal FB Page
D8TVNews #D8TV