Mananatiling tapat sa Konstitusyon at sa bayan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng mga pagdududa sa kanilang papel, ayon sa kanilang pahayag nitong Huwebes.
Binigyang-diin ng AFP na wala silang kiling sa pulitika at mahigpit na ipinagbabawal sa kanila ang makialam dito, batay sa Artikulo XVI ng 1987 Konstitusyon.
“Ang AFP ay tagapagtanggol ng bayan at tagapagtaguyod ng kapayapaan, hindi nakikialam sa politika. Ang anumang isyu sa pamahalaan ay dapat lutasin sa legal at demokratikong paraan,” ayon sa AFP.
Giit nila, ang demokrasya ay nakasalalay sa respeto sa mga institusyon, pagsunod sa batas, at malayang halalan. “Mananatili kaming tapat sa aming tungkulin—para sa bayan, para sa Konstitusyon!” | via Lorencris Siarez | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV