Presyo ng bottled water sa mga Airport mas hihigpitan ng DTI

Nagbigay ng babala ang Department of Trade and Industry (DTI) laban sa sobrang taas ng presyo ng bottled water sa mga paliparan sa bansa! Ayon kay Vivien Alarcado ng DTI Consumer Protection and Advocacy Bureau, nagsagawa na sila ng price monitoring para silipin ang presyuhan ng mga pangunahing bilihin, kabilang ang tubig sa airport.
Plano ng DTI na higpitan ang regulasyon para mapababa ang presyo at maiwasan ang matinding patong sa halaga. “Kailangang repasuhin ang kasunduan sa mga paliparan para tiyakin ang patas na presyo,” sabi ni Alarcado. | via Allan Ortega | Photo via GovF

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *