Eala tinalo si Swiatek para sa pwesto sa semifinals ng Miami Open

Pinahanga ni Alexandra Eala ang mundo matapos gulatin ang world No. 2 at five-time Grand Slam champion na si Iga Swiatek, 6-2, 7-5, sa Miami Open!
Hindi makapaniwala ang 19-anyos na Pinay nang lumabas ang huling tira ni Swiatek. “Cloud nine ako!” ani Eala matapos ang laban.
Bumawi siya mula sa 4-5 deficit sa second set, sinelyuhan ang panalo nang mabasag ang serve ng Polish star.
Sa kanyang epic run, pinatumba ni Eala ang tatlong Grand Slam champions—Jelena Ostapenko, Madison Keys, at Swiatek.
Sa semis, haharapin niya ang panalo sa laban nina Emma Raducanu at Jessica Pegula.
Samantala, magbabanggaan naman sina world No. 1 Aryna Sabalenka at Jasmine Paolini sa kabilang semis.
Abangan ang laban ng bagong pride ng Pilipinas! | via Lorencris Siarez | Photo via tennis365.com

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *