Ipinagpaliban ang pagbisita nina King Charles at Queen Camilla kay Pope Francis

Kanselado na ang nakatakdang pakikipagkita nina King Charles at Queen Camilla kay Pope Francis sa opisyal nilang pagbisita sa Italya mula Abril 7-10, ayon sa Buckingham Palace.
Nagkasundo ang magkabilang panig na ipagpaliban ito dahil sa patuloy na pagpapagaling ng Santo Papa.
Nagpaabot naman ng best wishes ang British royals para sa mabilis na paggaling ng 88-anyos na lider ng Simbahang Katoliko.
Matatandaang naospital si Pope Francis ng 38 araw dahil sa pneumonia at kinakailangang magpahinga nang hindi bababa sa dalawang buwan, ayon sa mga doktor. | via Lorencris Siarez | Photo via Anadolu

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *