Alkalde ng Marikina sinuspende ng ombudsman dahil sa maling paggamit sa pondo ng PhilHealth

Iniulat ng Office of the Ombudsman ang anim na buwang preventive suspension laban kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro at iba pang opisyal ng lungsod dahil sa umano’y maling paggamit ng ₱130 milyong pondo mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Kasama sa mga sinuspinde sina City Accountant Erlinda Gutierrez Gonzales, City Treasurer Nerissa Calvez San Miguel, Assistant City Budget Officer Jason Rodriguez Nepomuceno, Sangguniang Panlungsod Secretary Noralyn Tingcungco, at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod, kabilang si Vice Mayor Marion S. Andres.
Ayon sa Ombudsman, may sapat na batayan para sa preventive suspension dahil may matibay na ebidensya na nagpapakita ng kanilang pagkakasala.
Ang reklamo ay isinampa ni Sofronio Dulay noong May 15, 2024, na nagsasabing ang mga nasabing opisyal ay naglaan ng ₱130 milyon para sa iba’t ibang gastusin sa pamamagitan ng mga ordinansa ng lungsod, na dapat sana’y para sa pagpapabuti ng sistema ng kalusugan sa ilalim ng Universal Health Care Act. | Photo via Office of the Ombudsman FB Page

D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *